top of page
Music Videos

Music Videos

Kim Collado - Raining Again
03:36
Teknikolor (original song) feat Sigwada Experiment
03:15

Teknikolor (original song) feat Sigwada Experiment

Teknikolor (original song) by Sigwada Experiment Music/Lyrics: Marvin Bea & KuyaKurt Sigwada Experiment KuyaKurt - Vocals/Kaskas-Sundot Guitars/Tambourine Marvin Bea - Lead Guitars/Mamahaling Banjo Chi Asprec - Malupit na Bass lines Itong kanta na ito ay para lahat sa mga batang 80s. Thank you Marvin Bea & Chi Asprec sa jam. Wala kayong kupas. Teknikolor 10 years ago? Pinarinig sa akin ni Marvz yung gitara nito, wala pa siyang title at lyrics. Nang marinig ko, nagflashback sa akin ang 80s. Kaunti pa ang mga sasakyan. Di pa ganun kalala ang traffic sa EDSA. Lahat yata ng bagay noon nabibili mo lang sa halagang One Peso. Hindi kami bitin sa pagkain at may halaga pa ang One Centavo o mamera. Hindi naman kami nagkakape noon, softdrinks oo pero di ganun ka mahal kahit araw-araw. Pero nakita ko sa lumang menu board ng Max's ang kape ay .40c lang. Ang Plaza na tinutukoy ko ay ang plaza sa harap ng simbahan sa Bangued, Abra. Di naman kami madalas pumunta doon kung saan nakatira ang mga pinsan ko at kapatid ni Mama na si Tita Tess. Sa kalye namin sa Almon, usung-uso sa mga kabataan ang magbasa ng Pinoy Funny Komiks at naghihiraman lang kaming mga magkababata. Noong mga panahon wala kaming maayos na TV, nakikinig lang kami sa mga palatuntunan at drama sa radyo. Sa lumang Box Transistor ng Lola ko. Puro AM lang ang sagap nun, nakikinig ng "Gabi ng Lagim" o "Andong Mapangarap". Ang una naming naging telebisyon ay Black & White. Kulay abo ang mga palabas at pelikula. Ang "In technicolor" ay madalas ko noon makita sa mga palabas sa TV. At habang lumalaki ako, lahat ng bagay sa loob at labas ay nagkakaroon na ng kulay. Nagiging Teknikolor na siya. Madalas pa ang mga maliliit na konsiyerto sa mga kanto ng lugar namin. Nagtatayo ng mga entablado. May kantahan, sayawan at ang isa sa mga hindi ko malilimutan ay duo ni Tarzan at Baby Jane na nagtanghal sila sa dulo ng Almon. Nandoon ako sa harap ng entablado habang sumasayaw sila. At sa tuwing iikot si Baby Jane nakikita ang panty niya. Sino bang di makakalimot nun? lolz 80s..Ang bilis ng panahon. May mga nawala agad at may mga dumating din naman. Hanggang ngayon, ang nais ko, kung may pagkakataon na balikan ang dekadang yun ay sana muli ko lang makita ang sarili ko na lumalaki sa mga panahon na simple lang ang buhay. Sariwa pa ang ilang kaganapan sa isipan. Naluluha. Nangingiti.

© 2024 Marvin Bea Music. All Rights Reserved.

bottom of page